Tag: buy bust operation

4 na katao, arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Biñan, Laguna

BINAN, Laguna (Eagle News) — Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang apat na katao sa isang  bahay na matagal nang minamanmanan ng otoridad nitong Huwebes ng gabi, ika-10 ng Mayo. Ang mga suspek na naaresto sa bahay na diumano’y bagsakan ng iligal na droga sa Tramo, Barangay Canlalay, Biñan City ay kinilalang sina Joel Fernandez Casbadillo, 44;  Ronamay Casbadillo Haca, 22;  Aiza Rheygene Zara Casbadillo Haca, 24; at ang kasama nito na si Ryan Ignacio […]

Buntis arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Calbayog City, Samar

  CALBAYOG CITY, Samar (Eagle News) – Isang buntis ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Calbayog City kamakailan. Kinilala ang suspek na si Jenny Cadion, alyas Jing-jing, 31. Nang matanggap ni Cadion ang P3,000 na  marked money mula sa poseur-buyer ay hinuli na ito ng  pinagsanib na pwersa ng Calbayog City Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Purok 1, Brgy. Capoocan. Narekober mula sa suspek ang apat na pirasong […]

Babae na umano’y supplier ng shabu, arestado

Nina Aser Bulanadi at Godofredo Santiago Eagle News Service TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Isang 33 anyos na babae na pansamantalang pinalaya dahil sa kasong may kinalaman sa droga ang naaresto sa ikalawang pagkakataon. Sa ulat ni Police Supt. Eric B. Buenconsejo, hepe ng Tarlac City PNP, kay Tarlac Provincial Director Police Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, ang naaresto ay si Mary Herlene Caballero, mas kilala sa tawag na “Tootsie.” Naaresto si Caballero sa […]

Dalawang lalaki arestado sa magkasunod na buy-bust operation sa Tarlac

Nina Aser Bulanadi at Godofredo Santiago Eagle News Service GERONA, Tarlac (Eagle News) – Arestado ang dalawang lalaki, kabilang ang no.7 na drug personality sa watchlist ng mga operatiba, sa magkasunod na buy-bust operation sa Tarlac kamakailan. Nahuli ang mga supek matapos ang mga ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Gerona Police Station, sa mga Brgy. Poblacion 1 at Brgy. Poblacion 3, Gerona, Tarlac. Sa ulat ni Police Supt. Franklin Palaci Estoro, hepe ng Gerona […]

Mga kawani ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga, tumaas – PDEA

(Eagle News) – Tumaas ang bilang ng mga kawani ng gobyerno na nadakip sa isinagawang buy-bust operation noong 2017 kumpara sa nakalipas na taon. Ito ay batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Lumalabas na 301 mga government worker ang kanilang naaresto noong 2017, habang 231 lamang noong 2016. Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang kawani ng gobyernong naaresto ay binubuo ng 129 na elected officials, 27 uniformed personnel at 145 […]

Ilang drug personalities, arestado sa Pampanga

Ni Ener Ocampo Eagle News Service MABALACAT CITY, Pampanga  – Arestado ang ilang drug personalities sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Camachiles, Mabalacat City, Pampanga. Kinilala ang mga naaresto na sina Alfredo Bermudo, Jr., residente ng Brgy. Dau; Melquiades Carlos, taga-Brgy. Dau; Jassen Rashid, taga-St. Jude Village, San Fernando; Marvin Panlican, taga- Brgy. Camachiles; Dennis de Guzman, taga-Brgy. Dapdap; Ricardo Santos, taga-Brgy. Bical; at Jose Arcilla, taga-Brgy. Camachiles. Apat sa mga naaresto […]

No.1 most wanted drug personality sa Sta. Rosa City, Laguna, arestado sa buy-bust operation

  STA. ROSA, LAGUNA (Eagle News) — Nadakip sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Sta. Rosa City Drug Enforcement team ang number one most wanted personality sa lungsod. Ang suspek ay kinilalang si Charlie del Rosario, 43, residente ng Sitio Masiit, Brgy. Labas. Ayon sa pulisya, nakipagtransaksyon ang suspek kay P02 Archie Anahaw na nagpanggap na buyer. Matapos ang transsksyon, agad na inaresto si Del Rosario ng mga otoridad na naka kubli sa paligid. Nakuha […]

4 na katao, arestado sa drug buy-bust operation sa Tondo, Manila

TONDO, MANILA (Eagle News) — Apat katao ang arestado makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa bisa ng search warrant, isa-isang hinalughog ng Special Enforcement Service ng PDEA ang tatlong bahay sa Brgy. 112 Tondo, Maynila. Sa bahay ni Ramil Paragas sa C.P Garcia St. Corner Dandan Street nakuha ang mga sachet ng umano’y shabu at drug paraphernalia. Nakita din sa kaparehong kalye ang apat […]

Apat na katao, arestado sa buy-bust operation sa Quezon City 

(Eagle News) — Arestado ang apat na katao sa isinagawang  buy-bust operation ng Quezon City Police District sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 13. Kinilala ang  apat na suspek na sina Solayman Aliman, Amiden Akon, Datu Aliman at alyas Jeffrey na nacorner ng mga operatiba ng  Drug Enforcement Unit sa Barangay Tandang Sora at Old Balara. Pawang mga notorious na tulak ng ilegal na shabu ang apat na suspect na ang kadalasang parokyano ay […]

Php3M halaga ng shabu, nasabat sa isang hotel room sa Cebu

(Eagle News) — Tatlong milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga pulis sa isang hotel room sa Cebu City kamakailan. Naaresto din ang siyam na suspek na pinaniniwalaang sangkot sa transaksiyon  ng iligal na droga. Nabatid  na tumawag ang management ng hotel sa pulisya matapos  na wasakin ng mga suspek  ang built-in detector sa kuwarto na kanilang  ipina-reserve. Ayon sa mga pulis, hindi lang ginamit ng mga naarestong suspek ang hotel room […]

Lalaki, patay sa buy-bust operation sa Calbayog, Samar

CALBAYOG CITY, Samar (Eagle News) — Patay ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng  mga awtoridad sa Calbayog kamakailan. Nanlaban umano at nagpaputok ng baril si Romano Talon alyas Mang-Mang, 32, nang malamang poseur-buyer ang katransakyon sa Purok 9 Brgy. San Joaquin, Tinambacan District. Agad na nagpaputok din ang pulis, na agad ikinamatay ng suspek. Prinoseso ng Scene of the Crime Operatives ang pinangyarihan ng krimen at naka recover ng pitong pirasong fired cartridges, […]

Drug pusher, huli sa buy-bust operation sa Tagbilaran City

TAGBILARAN CITY, Bohol (Eagle News) — Nahuli sa isang buy-bust operation ang isang hinihinalang drug pusher kahapon sa Tagbilaran, Bohol. Ang suspek na si Albert Ano, 28 anyos, ay nahuli matapos pagbentahan niya ng droga ang isang police-poseur buyer sa Purok 7, Gallares St. Nakumpiska mula kay Ano ang limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, 300 pesos na ginamit na marked money, at eyeglass case na pinaglagyan ng mga shabu. Kasalukuyang nahaharap ang suspek […]