(Eagle News) — Inilunsad ng Bureau of Treasury ang makabagong paraan ng pag-iinvest sa tinatawag na Retail Treasury Bonds (RTB). Ito na ang dalawampu’t isang issuance ng RTB ng Philippine government at kauna-unahan ito ngayong 2018. Sa halagang P5,000 pesos maaari nang makapag-invest ang sinuman. Bukod sa pansariling kapakanan na investment ay malaking tulong din anila ang RTB dahil nakakatulong ang isang investor sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno tulad na lamang ng infrastructure program. […]





