NAVAL, Biliran (Eagle News) – Dalawampu’t anim ang nasawi, habang 23 na mga residente ang nawawala matapos na magkaroon ng landslide sa Naval, Biliran. Ayon kay Biliran Governor Gerry Espina, karamihan sa mga nasawi at maging ang mga nawawala ay mga residenteng nakatira sa mga lugar na may naitalang pagguho ng lupa dahil sa bagyong Urduja. Sa bayan ng Naval, sa Biliran Island, pito ang nasawi sa landslide. Labinlima katao naman ang patuloy na pinaghahanap […]





