REAL, Quezon (Eagle News) – Bilang pagtulong sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Quezon ay nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng libreng livelihood seminar tungkol sa “Bonsai Making”. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Real, Infanta at Gen. Nakar, Quezon. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito, District Minister ng INC sa Quezon North. Marami ang nakinabang sa nasabing seminar dahil kahit ang hindi miyembro ng INC ay dumalo rin upang matuto sa […]





