BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isang text message umano ang natanggap ng isang guro na pasasabugin ang isang paaralan sa Tomas del Rosario sa siyudad ng Balanga, Bataan sa pamamagitan ng isang bomba. Ang nasabing guro ay nakilalang si Ms. Mikee Diego, 20 taong gulang, naninirahan sa Barangay Sta Rosa, Pilar, Bataan, Grade 8 teacher ng nasabing eskwelahan. Agad naman niya itong naireport sa mga awtoridad. Agad din rumisponde ang Balanga CPS, Balanga CPSO, BFF at Bataan EOD at […]





