Tag: Bislig City

Anim na miyembro ng rebeldeng grupong NPA sumuko sa militar

BISLIG, Surigao del Sur (Eagle News) – Anim na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang kusang sumuko sa mga militar sa Surigao del Sur kamakailan. Kinilala ang mga kusang sumuko na sina: Jonathan Navarro Selbert Camarillo Edelberto Navarro Merelena Navarro Joebert Camarillo Jomar Camarillo Ang mga suspek na sumuko sa Camp Jaime N. Ferrer sa Brgy. Maharlika, Bislig City ay pawang mga miyembro ng SYP Platoon 3 ng Southern Mindanao […]

Memorandum of Understanding ng Bislig City at Kisarazu City, Chiba, Japan nilagdaan na

(Eagle News) — Isang kasunduan o Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Bislig City, Surigao Del Sur at ng pamahalaan ng Kisarazu City, Chiba sa bansang Japan. Nilagdaan ang nasabing kasunduan nang bumisita si Mayor Librado Navarro ng Bislig City kay Mayor Yoshikuni Watanabe ng Kisarazu City. Ang nilagdaang kasunduan ay magpapatatag sa samahan ng dalawang partido na nagnanais na mapaunlad ang kanilang nasasakupan. Nakasaad sa nasabing kaaunduan na […]

Libreng surgical operation inilunsad ng Bislig City District Hospital

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Dinagsa ng maraming tao na mula sa Agusan del Sur at Surigao del Sur ang libreng surgical operation para sa mga batang may Hare Lip at Cleft Palate na isinagawa sa Bislig City District Hospital. Ito ay mayroong temang”Hastag Project Smile,” na proyekto ng Maharlika Charity Foundation, Loving Presence Foundation, Bislig City District Hospital, Lokal na Pamahalaan ng Bislig at iba pang non-government organization kaya inilunsad ang ganitong mga […]

Riding in tandem criminals target ngayon ng kapulisan

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kaliwa’t-kanan ang isinasagawa ngayong PNP Checkpoint sa mga pangunahing lansangan ng Surigao del Sur. Ito ay dahil halos magkasunod lamang na nabiktima ang isang security guard at isang pulis nang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo o ang mga kawatang tinatawag na “riding in tandem.” Mahigpit namang kinondena ng kapulisan ang walang habas na papamaril at pambibiktima ng mga riding in tandem criminals sa nasabing lugar. Nagbabala […]

Bagong Commander ng 7th IB, 6th ID ng Philippine Army naitalaga na

BISLIG CITY, Surigao del Norte (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ang Change of Command Ceremony ng 75th Infantry Battalion, 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Jaime Ferrer Sr. sa Brgy. Maharlika, Bislig City. Pinalitan ni Lt. Col Wilfredo Amoma si Lt. Col Haron Akaz na dalawang taong naglingkod bilang commander ng 75th IB ng Philippine Army. Ayon kay Lt. Col Amoma, isang malaking hamon aniya sa kanyang panunungkulan dahil kasabay nito ang suspension […]

Sampling at testing sa ibinebentang iodized salt isinagawa ng RBATF sa Bislig City

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng sampling at testing ang Regional Bantay Asin Task Force (RBATF) ng Bislig City sa mga ibinebentang iodized salt sa Mercado kamakailan. Pinangunahan ito ng Regional at City Nutrition Council. Ayon sa isinasaad ng RA 8172 o asin law, ikinakampanya ang paggamit ng iodized salt sa buong bansa. Nakapagbibigay aniya ito ng malaking kontribusyon upang maiwasan ang Iodine Deficiency Disorder (IDD ). Nakapaloob din sa 10 commandments ng […]

National Reading Month Celebration nilahukan ng DepEd Bislig City

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinatunayan ng mga selected students ng Mangagoy East Elementary School sa Bislig City, Surigao del Sur na hindi pa rin nila isinasantabi ang pagbabasa ng mga aklat. Ito ay sa kabila ng mga makabagong gadgets sa kasalukuyan. Araw-araw ay iba’t ibang pampublikong paaralan ang bumibisita sa Division Library Hub ng DepEd-Bislig City. Ito ang maituturing na pinakamalaking Library Hub sa buong CARAGA Region na may E-library Conference Room Shelving […]

Weather update: Bagyong Marce nararanasan na sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kasalukuyang nararanasan sa Bislig City, Surigao del Sur ang Bagyong Marce. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Bagyong Marce ay nasa 240 km east north ng Surigao del Sur. Napanatili nito ang lakas na 45kph malapit sa gitna at may pagbugso o gustiness na 55kph tinatahak ng Bagyong Marce ang dereksyong west at north west sa bilis na 17kph. Idiniklara nang signal […]

Postal Office ng Bislig City, Surigao del Sur ninakawan

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Matapos pagnakawan ang mga pampublikong paaralan sa Bislig City, ngayon ay pati Postal Office ng nasabing lungsod ang pinasok na rin ng mga magnanakaw. Itinawag sa Philippine National Police (PNP-Bislig City) ni David Guillen Davis, driver courier, ang nangyaring nakawan sa nasabing opisina. Natangay ng mga suspek ang sumusunod: 1 Acer computer monitor 1 unit ng CPU flare 1 Lenovo Netbook na nagkakahalaga ng halos P30,000.00 Ayon […]

24th National Children’s Month sa Surigao del Sur pinangunahan ng PNP

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa Surigao Del Sur ay binisita ng kapulisan ang mga Pampublikong Paaralan na kanilang nasasakupan kaugnay sa pagdiriwang ng “24th National Children’s Month”. Ito ay may temang “Isulong Kalidad na Edukasyon para sa lahat ng Bata”. Nakipagdaialogo din ang kapulisan sa mga estudyante, guro at maging mga staff ng mga Pampublikong Paaralan. Dito ay tinalakay nila at ipinaalam ang mga karapatang pantao ng bawat bata, tulad ng anti- […]

Presyo ng mga bilihin sa Bislig City, Surigao del Sur, nanatiling “stable”

Bislig City, Surigao del Sur (Eagle News) – Tiniyak ng Department of Trade and Industry ng Bislig City na walang pagbabago sa presyo sa mga bilihin sa Lokal Market ng Bislig City. Batay ito sa isinagawa nilang price monitoring nitong buwan ng Setyembre kasabay ng implementasyon ng State of National Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Teresita Subibi ng DTI Bislig, sumunod naman ang mga negosyante sa ipinatupad na price freeze maliban lang sa mga prime […]