BATASAN, Quezon City (Eagle News) — Lima katao ang kumpirmadong patay matapos araruhin ng isang trailer truck ang ilang sasakyan sa kahabaan ng San Mateo Road sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Huwebes, Oktubre 26. Dalawang kotse, isang pampasaherong jeepney, isang tow truck at isang motorsiklo ang niragasa ng 22-wheeler truck na minamaneho ng driver na nakilalang si Nilo Calimutan pasado alas kwatro ng hapon. Isa sa mga nasawi sa insidente na naipit sa tumagilid […]





