Tag: barangay official

Kaso laban sa mga narco barangay official, inihahanda na ng PDEA

(Eagle News) — Matapos ang isinagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kasong isasampa sa 207 barangay officials na kasama sa narco-list. Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hindi palalagpasin ng ahensya ang sinumang kandidatong kabilang sa nasabing listahan nanalo man o natalo. Sa naging resulta ng eleksyon, 26 na kapitan ng barangay at 15 na kagawad ang nanalo na kabilang sa narco list. Dagdag […]