Tag: balota

Comelec, nakapag-imprenta na ng 19 milyong balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo

(Eagle News) — Nasa 30 porsyento na o katumbas ng mahigit 19 na milyong balota ang naiimprenta ng Commission on Elections para sa halalan sa Mayo. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang kabuuang 19,705, 792 balotang naimprenta ng National Printing Office (NPO) ay mas mabilis sa kanilang inaasahan. Tiwala ang opisyal na bago ang kanilang target date na April 25 ay matatapos ang pag-iimprenta ng mga balota lalo na’t may darating na karagdagang […]

Paglalabas ng balota ng isang miyembro ng BEI sa Malvar, Batangas, nauwi sa komosyon

(Eagle News) — Nagkaroon ng komosyon sa bayan ng Malvar matapos ilabas sa presinto ng chairman ng Board of Election Inspectors ang mga blangkong balota. Namagitan ang komosyon diumano sa pagitan ng Board of Election Inspectors at poll watcher ng isang kandidato sa Brgy. Pioquinto. Kaagad din naman nilapitan ng mga pulis ang mga nagtatalo. Katuwiran ng chairman ng BEI, may itatanong lamang sya hinggil sa mga balota sa kabilang polling precinct kaya niya ito […]

90% ng mga balota, naihatid na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas – Comelec

(Eagle News) — Sinabi ngayon ng Commission on Election (Comelec) na nasa 90% na sa bilang ng mga balota para sa May 9 elections ang nakarating na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ayon sa ahensya, ang mga balotang para na lang sa Metro Manila at mga karatig-lugar ang natitira sa kanila. Samantala, siniguro ng Comelec na matatapos ang shipment ng election materials bago ang Mayo 9 kung saan target na matatapos ang paghahatid sa mga […]