BALIUAG, Bulacan (Eagle News) — Pinauwi ng pangasiwaan ng Baliuag University sa Baliuag, Bulacan ang kanilang mga estudyante ngayong Lunes ng hapon (Septyembre 5) dahil umano sa natanggap na bomb threat ng unibersidad. Ayon sa mga mag-aaral ay pinauwi sila ng maaga ng pangasiwaan ng paaralan dahil sa pangamba para sa kaligtasan ng mga estudyante. Sinikap naman na mapasok ng ating mga Eagle Correspondent ang nasabing eskwelahan upang makausap ang Punong Guro, subalit hindi na […]





