Tag: balik eskwela 2018

Mga estudyante sa Meycauayan binigyan ng libreng bag at school supplies sa unang araw ng klase

MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News)– Bilang pagsalubong sa unang araw ng pasukan, namahagi si Meycauayan Mayor Henry Villarica ng mga libreng bag at mga gamit eskwela sa lahat ng mga estudyente sa mababang paaralan ng Meycauayan West Central School (MWCS). Bago isinagawa ang kanilang flag ceremony, nagtulong-tulong muna ang ilang mga guro at magulang na linisin at tanggalan ng tubig ang covered court ng paaralan na bunga ng katatapos lamang na pag-ulan. Pagkatapos ng seremonya ay […]

DepEd, may hotline para tumanggap ng mga report kaugnay sa pagbubukas ng klase

(Eagle News) — Binuksan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang action center sa pagsisimula ng klase ngayong araw, Hunyo 4. Ito ay upang tumanggap ng reklamo at panawagan sa unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Maaaring tumawag ang mga kinauukulan sa hotline ng DepEd sa mga sumusunod na numero upang maipaabot ang reklamo ng publiko. DepEd action center hotlines Cellphone number: 0919-4560027 Telephone numbers: 638-7529 638-7530 638-7531 635-9817 Maaari […]

PNP nakaalerto na sa pagbubukas ng klase sa Lunes; Insidente ng bullying pwede nang isumbong

(Eagle News)– Puspusan na ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa susunod na Lunes, Hunyo 4. Ayon sa direktiba ni PNP Chief Dir. Oscar Albayalde, dalawang PNP personnel aniya ang dapat na naka-deploy sa bawat eskwelahan at isang police assistance desk ang nakalagay sa bawat school clusters. Simula pa lamang sa Sabado, Hunyo 2, ay naka-alerto na ang mga kapulisan upang tiyakin ang seguridad ng mga estudyanteng magbabalik […]