BALANGA City, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng blood donation ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Bataan nitong Sabado, ika-13 ng Mayo. Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni District Minister Bro. Manuel Soriano, Jr. sa covered court ng Bataan National High School sa Balanga. Mahigit 200, o 299, ang kabuuang nagparegister, at 193 ang pumasa sa screening at nakapagdonate ng dugo. Bawat isa sa 193 katao ay nagdonate ng tig-450cc na dugo. Sa kabuuan […]





