MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi pa rin madaanan ang anim na road section at anim na mga tulay sa Regions 9, 10 at Caraga dahil sa epekto ng bagyong Vinta. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa Region 9 ay sarado pa rin ang Salug Dacu Bridge sa Mahayag-Dumingag-Siayam-Sindangan Roxas sa Zamboanga Del Sur dahil sa nasirang tulay. Sa Region 10, partikular na sa Gingoog City, hindi naman madaanan ang spillway […]
Tag: Bagyong Vinta
Paghahanap sa 44 pang nawawala dahil sa baha na dulot ng bagyong “Vinta,” mas pinaigting
Ni Ferdinand Libor Eagle News Service (Eagle News) — Lalo pang pinaigting ng police units ng Zamboanga Del Norte at Zamboanga Sibugay ang kanilang isinagawang search and rescue operation sa apatnapu’t-apat (44) na indibidwal na nawawala pa rin matapos mawashed-out dahil sa baha na idinulot ng bagyong Vinta sa siyam na munisipyo ng Zamboanga Del Norte at 2 munisipyo ng Zamboanga Sibugay. Base sa report ng Disaster Risk Reduction and Management Council Region 9, nitong […]
UNICEF, handang magpadala ng team at supplies sa mga apektado ng bagyong ‘Vinta’
MANILA, Philippines (Eagle News) — Inihayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na nakahanda itong magpadala ng relief supplies at magdeploy ng field teams sa mga lugar na apektado ng bagyong “Vinta.” Kabilang sa ipagkakaloob ng nasabing UN agency ay water at sanitation supplies, water kits para sa mga pamilya, malaking water tanks para magamit ng komunidad, tents at iba pa. Ayon kay Lotta Sylwander, head ng UNICEF operations sa bansa, handang-handa silang suportahan ang […]
Isa pang bagyo, hahabol bago matapos ang 2017 – PAGASA
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — May isa pa umanong bagyo ang papasok sa bansa bago matapos ang taong ito. Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang magiging bagyo ang namataan nilang namumuong sama ng panahon. Inaasahan itong papasok sa Philippine area of Responsibility (PAR) sa katapusan ng Disyembre. Ayon kay Ariel Rojas, PAGASA weather forecaster, inaasahan din itong magla-landfall sa mismong bagong taon o Enero 1. Aniya, sa […]
Ilang mangingisda na nawala sa kasagsagan ng bagyong “Vinta,” na-rescue sa Tawi-tawi
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Umabot sa 75 mangingisda ang na-rescue ng Mapun Coastguard nang manalasa ang bagyong Vinta noong Sabado, Disyember 23 sa karagatang sakop ng Tawi-tawi. Una nang naiulat na ilang lantsa ang lumubog at ilang mangingisda ang nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo sa Balabac, Palawan. Ayon sa inilabas na ulat ng Mapun MDRRMC, ang mga mangingisda na napadpad sa Mapun, Tawi-tawi ay dinala sa Cagayan de Tawi-tawi District Hospital upang […]
China, nakisimpatiya sa mga nasawi at naapektuhan ng bagyong “Vinta”
(Eagle News) – Nakikisimpatiya ang Chinese government sa mga Filipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong “Vinta.” Ayon kay Foreign Minister Wang Yi, naniniwala ang Tsina na sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas ay malalampasan ng mga Pilipino ang kalamidad at maibabalik sa normal ang kanilang pamumuhay sa lalong madaling panahon. Una ng nagpaabot ng pakiki-dalamhati ang Canada, Australia at Estados Unidos sa mahigit kalahating milyong […]
Japan, nag-alok ng tulong para sa mga biktima ng “Vinta” at sunog sa Davao
(Eagle News) – Nangako ng tulong ang gobyerno ng Japan para sa mga biktima ng bagyong Vinta at ng sunog sa Davao City. Mismong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang nagsabi nito kasabay ng kanyang pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naging biktima ng bagyo at ng sunog sa NCCC mall noong Sabado, ika-23 ng Disyembre. Kabilang aniya sa ipagkakaloob na tulong ng Japan ang emergency relief goods. Ayon kay Prime Minister Abe, kaagapay ng […]
UN, EU handang magpaabot ng tulong sa nasalanta ng bagyo at iba pang trahedya
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nakahanda ang United Nations (UN) na tumulong sa mga biktima ng bagyong “Vinta” sa Mindanao. Ipinarating ni UN Secretary General Antonio Guterres ang kanyang pakikiramay sa libu-libong naapektuhan ng kalamidad. Ayon kay Guterres, hiling niya ang mabilis na pagbangon ng mga biktima mula sa trahedya. Sinaluduhan din ng Secretary General ang mga pagkilos na isinasagawa ng rescue and recovery teams at maging ng mga volunteers sa kabila ng mga […]
7 bayan sa Zamboanga del Sur, isinailalim na sa state of calamity dahil sa pagbaha bunsod ng bagyong Vinta
Ni Ferdinand C. Libor Jr. Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Isinailalim na sa state of calamity ang pitong bayan sa Zamboanga del Sur dahil sa matinding pinsala ng pagbaha dulot ng bagyong Vinta. Mismongsi Vicente Cajeta, officer-in-charge ng Zamboanga del Sur, ang nagdeklara ng state of calamity sa Tambulig, Molave, Mahayag, Ramon Magsaysay, Dumingag, Tukuran, at Kumalarang sa isinagawang espesyal na pagpupulong sa Sangguniang Panlalawigan. Pinakamatinding napinsala ng baha […]
Mahigit 6,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong “Vinta”
(Eagle News) — Umabot sa 6517 na pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong ‘Vinta.’ Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), pinakamaraming hindi nakabiyaheng pasahero ay mula sa mga pantalan ng Cebu at Tagbilaran sa Central Visayas na may kabuuang bilang na 2,465. Halos 2,000 naman ang stranded na pasahero sa mga pier sa Northern Mindanao, partikular na sa Surigao, Cagayan de Oro, Osamis at Dapitan. Kabuuang […]
Mahigit 7,000 katao, inilikas sa Caraga Region dahil sa bagyong “Vinta”
(Eagle News) — Lumaki pa ang bilang ng mga tao at pamilyang inililikas sa buong Caraga Region dahil sa bagyong “Vinta.” Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD-Caraga), lumobo pa sa 7,643 indibidwal at mahigit 1,600 na pamilya ang nasa 26 na mga evacuation center sa rehiyon. Aabot naman sa 400 na mga pasahero ang stranded sa pantalan ng Lipata sa Surigao City. Suspendido rin ang klase sa buong rehiyon kasama na ang pasok […]
Valencia City nagpatupad ng forced evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng Pulangi River
VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) — Dahil sa patuloy na paghagupit ng bagyong “Vinta” sa Mindanao, umabot na sa lebel na kritikal ang Pulangi River, kung kaya’t pinalikas na ang mga residente ng labing-isang (11) barangay sa Valencia City, Malaybalay, Bukidnon. Ang forced evacuation ay inanunsyo bago pa ang inaasahang pananalasa ng bagyo sa kalapit na lungsod ng Malaybalay City. Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsasara ng Bingcungan Bridge sa Tagum […]





