Ayon sa Department of Agriculture, halos dalawang bilyong piso ang inabot na halaga ng pinsala dulot ng bagyong Nona sa sektor ng agrikultura sa bansa. Kasama sa matinding napinsala ay ang probinsya ng Pampanga, Tarlac, Aurora, Nueva Ecija, Bataan at Zambales. (Agila Probinsya Correspondent Josiah Lorenzo)
Tag: bagyong Nona
LGU-Masbate at MASELCO nagsagawa ng clearing operation sa mga natumbang puno at poste
Matapos hagupitin ng bagyobng “Nona,” pinipilit ng mga taga-Masbate na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay. Nagsagawa na rin ng clearing operation ang lokal na pamahalaan katuwang ang Masbate Electric Cooperative (MASELCO) dahil sa maraming poste ng kuryente ang natumba sa kasagsagan ng bagyo. (Agila Probinsya Correspondent Ramon Albert)
Ulan na dala ng bagyong Nona, ipinagpasalamat ng mga magsasaka sa Ajuy, Ilo-ilo
Biyaya naman para sa mga magsasaka sa lalawigan ng Ajuy, Ilo-Ilo ang ilang araw na ulang dala ng bagyong Nona. Matagal kasing hindi nakaranas ng pag-ulan ang nasabing probinsya na labis na nakaapekto sa kanilang mga pananim. (Agila Probinsya Correspondent Ramie Inventor)





