(Eagle News) — Nakarating na sa worst affected areas ng Bagyong Nina sa Bicol Region ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation. Pati ang mga matinding napinsalang lugar ay nahatiran ng tulong.
Tag: bagyong Nina
Pangulong Duterte may babala sa mga mananamantala sa calamity fund
(Eagle News) — Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan sa Bicol na mananamantala sa calamity fund. Ayon sa Pangulo siya mismo ang susundo sa mga tiwaling opisyal gamit ang chopper at dadalhin sa Maynila at saka ilalaglag. Binigyang diin ng Pangulo na hindi siya magdadalawang isip na gawin ito sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Ang Bicol Region ang isa sa matinding tinamaan ng Bagyong Nina.
429,485 katao, naapektuhan ng Bagyong ‘Nina’ sa apat na rehiyon – NDRRMC
(Eagle News) — Nasa dalawampu’t anim na pamilya ang naitalang naapektuhan ng bagyong nina sa Calabarzon, Mimaropa at Regions 5 at 8. Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nasabing bilang ay katumbas ng nasa mahigit apat na rang libong indibidwal mula sa tatlongdaan at walumpu’t apat na barangay sa mga nabanggit na apektadong rehiyon. Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng […]
Relief distribution sa mga biktima ng Bagyong ‘Nina’ sa Bicol, pinangunahan ni Pangulong Duterte
(Eagle News) — Personal na dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng Bagyong Nina sa Camarines Sur. Pinangunahan ng Pangulo ang relief distribution sa mga residenteng tinamaan ng kalamidad nang manalasa ang Bagyong Nina.
Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng lingap para sa mga nasalanta ng Bagyong Nina
ALBAY (Eagle News) – Agad ng nagsagawa ng lingap ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo pagkatapos manalasa ng Bagyong Nina. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Tabaco, Bacacay, Tiwi, Labnig, Malilipot, at Malinao, Albay. Umaabot sa 2,250 bags na lingap ang naipamahagi noong Martes, December 27. Labis naman ang katuwaan ng mga nakatanggap ng nasabing tulong ng Iglesia Ni Cristo.
Kalagayan ng panahon dulot ng Bagyong Nina sa Bayan ng Mariveles, Bataan
MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Nakakaranas na sa kasalukuyan ng malakas na hangin at malalaking alon sa karagatan ang Bayan ng Mariveles dulot ng bagyong Nina. Isa na rito ang Brgy. Biaan, Sitio Kutad at mga karatig baranggay nito. Nasa storm signal no. 2 na ang buong lalawigan ng Bataan. Nag-abiso naman ang Municipal Disaster Risk Reduction Management sa lahat ng mangingisda na bawal munang pumalaot lalo na ang maliliit na bangka para na rin sa […]
100 mga saksakyan at 300 katao stranded sa Allen port, Northern Samar
ALLEN, Northern Samar (Eagle News ) – Stranded pa rin ang mga luluwas pa-Maynila dito sa pantalan ng Allen probinsya ng Northern Samar. Ito ay kaninang tanghali kahit hindi pa man nakakarating ang bagyong Nina sa kalupaan . Ayon kay SPO1 PT Officer Simplicio Bacaycay Coast Guard Allen Substation dahil sa storm Signal no. 1 na nakataas kanina sa kabuang bahagi ng nasabing probinsya ay ipinagababawal na ang paglalayag ng mga malilit na bangkang […]
Mga sasakyang dagat, di na pinayagang maglakbay sa Tabaco pier
TABACO City, Albay ( Eagle News) – Nagsimula nang mapuno ng mga pasaherong papuntang Catanduanes sa Tabaco pier sa Albay. Ito ay dahil sa hindi na pinahintulutang maglayag ang mga sasakyang pandagat sa Tabaco City dahil sa paparating na bagyong Nina. Patuloy na rin ang pagbuhos ng ulan dito sa Albay. At makulimlim na ang kapaligiran. Halos nasa 200 ang stranded na pasahero. (Dennis Jardin, Eagle News Service correspondent)
Baguio City at Benguet province, naghanda na rin para sa bagyong Nina
( Eagle News ) – Kasama ang Baguio City at Benguet Province, sa listahan ng potential risk areas kaugnay sa bagyong Nina na inaasahang magla-landfall mamayang gabi ng Sabado, Disyembre 24, 2016 Kaunay nito nagsagawa ng Risk Assesment Conference ang Office of the Civil Defense Cordillera, sa pangunguna ni Regional Director Andrew Alex Uy, kasama ang ilang Rescue Group, bilang paghahanda sa paparating na bagyo. by Freddie Rulloda
Ormoc City, Leyte kinansela ang byahe ng mga wooden motorized boat
(Eagle News) — Pansamantalang Kinansela Kanina ang biyahe ng mga wooden motorized boat Dahil sa bagyong NINA ay pansamantalang kinansela kanina ng coastguard Ormoc City ang mga biyahe ng mga wooden motorized boat bound to Comotes Cebu. Naninigiro na ang Coastguard Ormoc upang huwag ng maulit ang trahedya na nangyari noong nakaraang taon nang lumubog ang MV Nirvana na ikinasawi nang mahigit sa 60 tao. Samantala, nauunawaan ng mga pasahero ang aksiyon ng coastguard […]