Tag: Bagyong Lawin

Mga miyembro Iglesia Ni Cristo sa Kalinga nagsagawa ng tree planting activity

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) – Bagaman apektado sa nagdaang super typhoon Lawin ang lalawigan ng Kalinga ay hindi pa rin napigil ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lalawigan para pangalagaan ang kalikasan. Nitong Biyernes, October 28ay nagsagawa ng tree planting activity sa Sitio Soto, Bulo, Tabuk City, Kalinga. Maaga pa lamang ay nagtungo na ang mga miyembro ng INC sa lugar ng pagsasagawaan ng tree planting. Ayon kay Bro. Pedro F. Castillo, District Minister ng […]

Bangued, Abra nagkaroon na ng suplay ng kuryente pagkatapos hagupitin ng Bagyong Lawin

BANGUED, Abra (Eagle News) — Nagkaroon na ng supply na kuryente ang bayan ng Bangued, Abra pagkalipas  ng anim na araw pagkatapos itong hagupitin ng napakalakas na Bagyong Lawin . Gayunpaman, sa ibang mga lugar pa rin sa probinsya ng Abra ay wala pa ring kuryente hanggang ngayon dahil maraming poste ang nasira ng nasabing bagyo Samantala, pagkatapos na pinsalain ang lalawigang ng bagyong Lawin ay tulong -tulong naman ang mga residente sa pag-aalis ng […]

Pinsala ng Bagyong ‘Lawin’ umabot na sa halos 3B

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Umakyat na sa halos tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong ‘Lawin’ sa imprastraktura at agrikultura. Pinakamatinding napinsala ang mga imprastraktura sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region o CAR. Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), nasa halos labing apat na libong bahay ang nawasak o napinsala sa mga nasabing rehiyon. Isinailalim naman sa state of calamity ang mga lalawigan […]

Mga miyembro ng SCAN International, first responders sa bagyong ‘Lawin’

CAUAYAN, Isabela (Eagle News) — Isa ang SCAN International sa unang tumugon sa clearing operation sa mga kalsadang naharangan ng mga bumagsak na punong kahoy dahil sa bagyong Lawin. Gamit ang itak, manu-manong tinaga ng mga miyembro ng SCAN mula sa Cauayan City ang naglalakihang sanga na nakaharang sa mga kalsada ng Naguillan, lalawigan ng Isabela. Sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Isabela East na si Kapatid na Bernard Gonzales katuwang ang pangulo ng SCAN […]

Ilang kalsada sa Northern Luzon, isinara sa mga motorista

Eagle News – Isinara sa mga motorista ng Department of Public Works and Highways ang ilang kalsada sa Hilagang Luzon dahil sa mga nakahambalang kahoy, mga landslide prone areas, mga bumigay ng lupa dahil sa Bagyong Lawin. Ayon DPWH, hindi pa din madaanan ang Cannon Road sa Baguio, at ilang kalsada sa Mountain Province Nagpapatuloy naman ang clearing operation sa ilang kalsada sa Hilagang Luzon . Nagpakalat na din ang kagawaran ng mga road warning. […]

DOH nakaantabay para magbigay ng tulong sa mga residenteng inilikas

Eagle News —  Nakaantabay na ang Department of  Health (DOH) para magbigay ng tulong sa mga residente na inilkas at nasa Evecuation centerna naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Lawin. Ayon  pa kay DOH secretary Eric Tayag, sa oras na gumanda na ang sitwasyon ay nakahanda na ang mga gamut na kanila bibigay sa mga evacuee. Bukod sa gamut magdadala din ang kanilang response team ng water purifier para masiguro na ligtas ang inuming tubig sa […]

Ilocos Norte naghahanda na rin sa pagdating ng Bagyong Lawin

ILOCOS NORTE (Eagle News) – Nasa Signal Number 2 ang lalawigan ng Ilocos Norte sa kasalukuyan. Martes ng gabi, October 18 ay inanunsyo na ng Pamahalaan ng Lalawigan na suspendehin na ang klase ng lahat ng antas simula Miyerkules, October 19 upang mapaghandaan ang paparating na Bagyong Lawin. Sa kasalukayan ay makulimlim na ang kalangitan. Ang mga residente naman ay naghahanda na para sa darating na sakuna. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mas […]

Lalawigan ng Aurora naghahanda na sa paparating na Bagyong Lawin

AURORA Province (Eagle News) – Nagsagawa ng Emergency Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng lalawigan ng Aurora. Layunin nito na mapaghandaan ang pagdating ng bagyong Lawin na sinasabing mas malakas kaysa bagyong Karen. Sa kasalukuyan ay hindi pa halos nakakabangon ang lalawigan sa paghagupit ng bagyong Karen at kasalukuyan pa lamang inaalam ang kabuuang napinsala nito sa mga inpastraktura, sa mga pananim, o sa agrikultura at iba pang kabuhayan ng […]

Public Advisory: Pamahalaan at pribadong tanggapan sa Isabela, walang pasok

ISABELA (Eagle News) – Nagpalabas ng Executive Order ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na walang pasok ang lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong opisina simula mamayang 1:00 ng hapon hanggang bukas, Oktubre 20, 2016. Ito ay upang mabigyan ng panahon ang mga empleyado na ihanda ang kani-kaniyang tahanan sa paparating na super typhoon Lawin na tatama sa bahagi ng lalawigan. Kaugnay ng Executive Order ang mandato sa BFP, DPWH at Iselco 1 and 2, binigyan ng […]