(Eagle News) — Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Pinangalanan ito ng PAGASA bilang bagyong ‘Florita’ na huling namataan sa layong 946 kilometro silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras. Kumikilos […]





