TUBA, Benguet (Eagle News) – Isa ang sugatan matapos tumaob ang isang oil tanker sa bulubunduking bahagi ng Marcos Highway, Poblacion, Tuba, Benguet nitong Huwebes. Ayon kay Tuba Municipal Police Chief Inspector James Acod, paakyat sa matarik na zigzag road ang isang oil tanker na minamaneho ni Avelino Apidod nang biglang salpukin ng isang pasalubong na truck. Sa lakas ng impact, napaatras at bumangga naman sa isang bus na nasa kanyang likuran ang oil tanker, […]





