Tag: anti-criminality operation

34 katao arestado sa anti-criminality operation sa Pasay City

(Eagle News) — Tatlumpu’t apat na katao ang pinagdadampot ng mga otoridad sa isinagawang anti-criminality campaign sa makakahiwalay na lugar sa Pasay City sa nakalipas na magdamag. Ayon kay Supt. Deanry Francisco ng Pasay City Police, kabilang sa mga nadakip ang mga naaktuhang nag-iinuman sa kalsada na labag sa ordinansa ng lungsod. Mayroon ding nahulihan ng baril at mga bala. Dinampot din ang mga barker na nagtatawag ng mga pasahero sa mga hindi tamang sakayan. […]