Tag: anda

Tone-toneladang bangus na apektado ng fish kill, nakumpiska sa Dagupan

  DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Hinarang ng City Government at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa bungad ng Dagupan City Market sa mismong De Venecia Highway ang mga truck na may dalang banye-banyerang bangus na naipuslit sa palengke ng Dagupan na galing sa Anda at Bolinao, bandang alas 11:00 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 3. Ayon kay Mayor Belen Fernandez at Supt. Jandale Sulit, pawang tangok o hinangong patay na mga isda […]

Presyo ng bangus sa Anda, Pangasinan bumagsak sa P15 kada kilo

Ni Nora Dominguez Eagle News Service ANDA, Pangasinan (Eagle News) – Bumagsak sa Php 15.00  ang kada kilo ng bangus sa Anda, Pangasinan dahil sa nararanasang fish kill sa Caciputan Channel sa bayabayin ng Anda at Bolinao. Ayon sa mga residente sa Catubig Anda, simula pa nitong Huwebes nang sabay-sabay na lumutang ang mga isda mula sa mga palaisdaan sa Caciputan Channel. Ang ilang fish pen owners naman ay nagsagawa na rin ng force harvest […]

BFAR at bangus industry nagpulong para maiwasan ang insidente ng fish kill sa Pangasinan

Ni Nora Dominguez Eagle News Service BOLINAO, Pangasinan (Eagle News) – Isang pagpupulong ang ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office 1, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga fish cage operators sa bayan ng Anda at Bolinao upang maiwasan ang posibleng insidente ng fish kill. Ayon kay Nestor Domenden, Regional Director ng BFAR RO-1, hiniling ng BFAR sa mga LGU ng Anda at Bolinao na magpatupad ng moratorium […]

Nararanasang pag-ulan sa Pangasinan, maaaring makatulong upang mawala ang red tide toxin – BFAR

ANDA, Pangasinan (Eagle News) – Ang mga nararanasang pag-ulan sa Pangasinan ay maaring makatulong upang mawala ang problema sa red tide toxin sa baybayin ng Anda at Bolinao. Ayon ito kay Dr. Wesley Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa pamamagitan ng pag-uulan ay mababawasan umano ang salinity o labis na alat ng tubig, at mangangamatay ang red tide organism. Nagbabala naman si Rosario sa labis na pag-ulan, at maaari diumano nitong maapektuhan ang […]