CALOOCAN CITY, Metro Manila (Eagle News) – Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa isang Amerikano noong Lunes (July 10) sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Sangandaan, Caloocan City. Iprinesenta ng Caloocan City Police ang suspek sa pagpatay kay James Budru na si Romeo de Luna, Jr., alyas Bugoy, isang 23 taong gulang na tricycle driver. Naaresto si De Luna sa isinagawang followup operation ng mga awtoridad sa Brgy. 64, Caloocan City noong Martes […]





