Alam ba ninyo na ang hindi pagkain ng almusal ay masama sa puso? Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng almusal bawat araw ay nagpapababa ng panganib sa pagkakaroon ng cardiovascular disease. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkain ng mayaman sa calories sa umaga at pagkain ng kakaunti sa gabi ay nagbabawas ng posibilidad ng heart attack, stroke at iba pang sakit sa puso at blood vessel. Ayon kay Marie Pierre St-Onge, ng Colombia […]





