MANILA, Philippines (Eagle News) — Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang deployment ban sa iba pang bansa sa Middle East na may mataas na kaso ng pag-abuso at pag-maltrato sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posible nilang palawigin ang deployment ban kung mabibigo ang ibang bansa na palakasin ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa. Partikular na tinukoy ng kalihim ang Saudi Arabia kung saan […]





