BANGUED, Abra — Ramdam na ramdam pa rin ng mga magsasaka sa Bangued, Abra ang epekto ng El Niño. Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), nanunuyo na ang irigasyon na ginagamit na patubig ng mga sakahan sa probinsya. Hindi na rin anila sapat ang tubig na dumadaloy sa Abra Communal Irrigation System. Ang Abra Communal Irrigation System ang nagkakaloob ng patubig sa mga sakahan sa tatlong munisipalidad sa Abra kabilang ang Tayum, Pidigan at Bangued. […]





