AURORA, Philippines (Eagle News) — Patuloy ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga mamamahayag at ng kasundaluhan sa Aurora para sa kapayapaan, pagkakaisa at pagbabalita ng wastong impormasyon. Sa isinagawang strategic planning para sa isang taong programa, magkatuwang na bumuo ng mga plano ang Kaugnay Media Defense Corps Incorporated (KMDCI) Aurora Chapter at 91st Infantry Sinagtala Battalion. Isa sa mga kampanya ng KMDCI ngayong taon ang massive recruitment ng Philippine Army Reservists na siyang magiging katuwang […]





