ROXAS, Palawan (Eagle News) – Patuloy na nagsasagawa ng mga safety drill ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa bawat komunidad sa Roxas, Palawan. Ito ay bilang paghahanda sa mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, sunog at iba pang kauri nito. Sa pangunguna ng MDRRMO Roxas, katuwang ang 402nd Auxiliary Squadron Philippine Coast Guard na siyang nag-organized ng naturang drill ay nagsagawa ng actual drill scenario sa mga barangay na maaaring maapektuhan ng matinding kalamidad. […]





