CATBALOGAN CITY, Western Samar (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang libreng medical mission sa Provincial Jail ng Western Samar. Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng ’29th Prison Awareness Week’ (October 24-30, 2016). Nasa 189 na mga inmates ang nakinabang sa libreng check up at gamot na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan. Ayon kay Reahlina Cajefe, in-charge sa nasabing programa, layunin ng aktibidad na maibigay ang kaukulang atensyon sa mga taong nasa bilangguan. Aniya, bagaman ang mga ito’y nakakulong ay nais aniyang […]





