(Eagle News) — Patuloy na hinihikayat ng National Youth Commission (NYC) ang mga kabataan na bumoto nang tama at makipagkaisa sa nalalapit na 2018 Sangguniang Kabataan at barangay elections. Sa muling pag-halal ng SK ay panibagong aktibidad ang inihanda ng NYC para sa mga bagong itatalagang SK official sa 42,000 barangay sa buong bansa. Kinakailangang sumailalim ang mga ito sa mandatory training na inilatag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at NYC. […]





