(Eagle News) — Napanatili ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pangunguna sa pinakabagong presidential survey ng Pulse Asia matapos itong makakuha ng 32% sa survey na isinagawa mula Abril 5 hanggang Abril 10 sa may 4,000 respondents. Dalawang porsyento ang itinaas ng alkalde mula sa kaparehong survey na isinagawa naman mula Marso 29 hangang Abril 3. Dahil dito, mayroon nang seven-point margin si Duterte laban kay Senadora Grace Poe-Llamanzares na nakakuha naman ng 25%. […]





