MARAWI CITY, Lanao del Sur (Eagle News) – “Marawi, bumangon ka, tama na ang maling pakikibaka, kapatid gumising ka!” Bahagi ito ng awiting “Bangon Marawi,” isang orihinal na komposisyon ni Sgt. Ronie Halasan ng 1st Infantry Division ng Philippine Army. Ayon kay Halasan, isinulat niya ang nasabing awitin noong unang linggo pa lamang ng bakbakan sa Marawi matapos siyang maghatid ng supplies sa tropa ng gobyernong nakikipagbabakan sa Maute Group. Gusto niya raw ipaabot sa lahat […]





