LAMITAN CITY, BASILAN (Eagle News) – Naaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Lamitan City, Basilan. Si Ismael Gampal, na nag-o-operate sa Basilan, ay naaresto ng mga operatiba ng 19th Special Forces Company ng 4th Special Forces Batallion kamakailan. Narekober mula sa kaniya ang isang M16 rifle, ilang war materials, military backpack at uniforms. Si Gampal ay dinala sa headquarters ng mga operatiba sa Brgy. Dangcalan, Lamitan City para […]





