Supply ng kuryente sa Cagayan Valley, wala pa rin – Cagayan Governor

Wala pa ring supply ng kuryente sa buong Cagayan Valley.

Ito ang kinumpirma mismo ni Cagayan Governor Manny Mamba sa panayam ng programang “Sa Ganang Mamamayan” maka-lipas ang mahigit isang linggo matapos hagupitin ng super bagyong Lawin ang kanilang lalawigan.

Ayon kay Mamba, naroon na sa kanilang lugar ang mga tauhan ng MERALCO at iba pang electric cooperatives para isa-ayos ang mga nasirang poste at linya ng kuryente.