(Eagle News) – Makakaasa ang publiko na mananatiling magiging matatag ang suplay ng bigas sa mga susunod na araw, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.
Resulta ito ng polisiya ng gobyerno na mag-import ng bigas.
Sinabi ng DTI na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na punuin ang stock ng bigas.
Kamakailan ay nakaranas ang bansa ng krisis sa bigas, matapos na bumaba ang suplay nito.
Dagdag pa ni Lopez, bukod sa importation ay tiniyak na rin ng gobyerno sa mga local rice producer at sa mga magsasaka na makakakuha sila ng incentives sa pagtulong na mapataas ang suplay ng bigas.
Tinaasan na rin aniya ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng palay mula sa mga local farmer mula 17 pesos ay 20 pesos and 70 centavos na ito ngayon.
https://www.youtube.com/watch?v=XsurTRolQCc





