Sunod-sunod na road accidents, ikinababahala ng publiko

Naa-alarma na ngayon ang publiko dahil sa sunod-sunod na aksidente na kinasasangkutan lalo na ng mga pampublikong sasakyan.

Kaya naman ang isyu ay umabot na rin hanggang sa Senado, na nais matutukan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mananakay at mga motorista.

Malaking oras ang nasasayang dahil sa traffic, na hanggang sa ngayon ay hindi parin nahahanapan ng solusyon.

Sayang ang perang mabilis sanang iikot at lalago kundi lang sana sa abala na dala ng mga pasaway na motorista na nakakalusot sa pangil ng batas.

At sayang ang buhay ng mamamayang Pilipino sa bulok na sistema natin dito sa bansa kung saan maiisipan lamang i-check ang mga ganitong pangyayari kapag tapos na, kapag may aksidente nang naganap.

Ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na transport system ay isa sa mga pangunahing kailangan para sa lalong ikauunlad ng bansa, kaya naman hindi na dapat magpa tumpik-tumpik ang mga kinauukulan para maisaayos ito.

https://youtu.be/1hR5cgSjG1M