“Stepping Out” The musical ng Repertory Philippines

MANILA, Philippines — Kung pag arte naman sa entablo ang nais ninyong mapanuod narito ang “Stepping Out,” the Musical,  na inihahandog ng Repertory Philippines sa pangunguna ng direktor na si Jaime Del Mundo para sa ating lahat.

Ito ay kinabibilangan ng mga kilalang aktress at mang- aawit sa teatro tulad nina Ms. Joy Virata, Angela Padilla at Cara Barredo.

Kasama din nila sa “Stepping Out” sina Bituin Escalante, Nathalie Everette at marami pang iba.

Ayon kay Ms. Joy Virata, ang tumayong Audience Development at Associate Artistic Director ng Repertory Philippines. Pagmamahal sa sining ng teatro ang isa sa mga adbokasiya ng Repertory Philippines.

Mahalaga din umano na tangkilikin ng bawat Pilipino ang ganitong uri ng musical play ng ating bansa.

At kung gusto nyo namang ma-experience ang pag-arte sa theatre ngayong bakasyon lalo na ang mga kabataan  ang Repertory Philippines ay nag-ooffer din ng summer workshop para sa lahat na nagsimula na noong April 12.