Star tinambakan ang Mahindra 124-87

Panalo ang Star Hotshots kontra sa Mahindra Floodbusters sa huling araw ng pagpapatuloy ng 2016-2017 PBA all-Filipino cup.

Tinambakan ng Hotshots ang Floodbusters sa iskor na 124-87, sa pangunguna ni Allein maliksi na nagtala ng trenta’y-tres puntos habang gumawa naman ng labing anim na puntos si Paul Lee at limang assist.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ng Star ang kartadang pitong panalo at apat na talo.

(Photo courtesy of Philippine Basketball Association)