Singer-song writer “Ogie Alcasid” at ang kanyang new album na “Ikaw ang Buhay Ko”

Inihahandog din sa atin ni Ogie Alcasid ang kaniyang album na pinamagatang “Ikaw ang Buhay Ko.” Binubuo ito ng sampung mga awitin. Ang limang mga awiting nakapaloob sa album na ito ay mga bagong likhang awit ni Ogie at ang lima naman ay revivals ng mga OPM song na talagang tumatak na sa marami at kadalasang mapakikinggan o inaawit sa mga kasalan.

At inihahandog niya sa 5th year anniversary nila ng kaniyang asawa na si Ms. Regine Velasquez – Alcasid. At ito rin ang ginawang surpresa ni Ogie sa kaniyang asawa.

Ang original composition din niya na “Ikaw ang Buhay Ko” ang naging carrier single ng album.