Singer-song writer “Jim Paredes” new album 10 pieces

Isa sa miyembro ng Apo Hiking Society noon na si Mr. Jim Paredes ay muling naghahandog ng mga magagandang awitin para sa lahat, at ito ay nakapaloob sa kanyang bagong album na “10 Pieces”.

Ang nasabing album ay narelease matapos ang isang taon, kung kailan ito ang kanyang third solo album na sumunod sa kanyang mga naunang album na “Ako Lang” at “Laro”.

Ang 10 pieces ay napapalooban ng mga awiting kanyang sinulat at ang iba ay mula pa sa mga awitin ng kanyang grupo na binigyan niya ng bagong timpla. Ang carrier single ay “Sino kaya?”.  Ang awitin na tumutukoy sa ating mga Pilipino.