Shooting ng pelikulang “Nuclear Family” sisimulan na

MANILA, Philippines — Nakatakda nang simulan ang shooting para sa pelikulang “Nuclear Family”. Handog ito ng BG Production International, ang isa sa mga kinikilalang production ng mga independent films sa bansa.

Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Ayon sa kaniya, napapanahon ang ganitong uri ng pelikula at ang tema nito ay isang melodrama.