Senador De Lima, maaaring masibak sa pwesto

MANILA, Philippines (Eagle News) — Maaaring umanong masibak sa puwesto si Senadora Leila De Lima sakaling madiin sa inihaing ethics complaint ng House of Representatives sa Senado.

Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, mabigat na kasalanan ang “grave misconduct.”

Binigyan diin pa ni Umali na maaaring naiwasan sana ang pagsasampa niya at iba pang lider ng kamara ng ethics complaint laban kay De Lima kung sumunod lamang ito sa patakaran ng Kongreso.

Kaugnay ito sa  ginawa  ni De Lima sa house inquiry matapos nitong himukin ang dating driver na si Ronnie Dayan na isnabin ang pagdinig hinggil sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).