Senado, bibilisan ang pagtalakay ng panukalang batas sa pagpapaliban ng bgy elections, ayon kay Sen. Tolentino

 

By Meanne Corvera
Eagle News Service

(Eagle News) — Papaspasan ng Senado ang pagtalakay sa panukalang batas na ipagpaliban ang Barangay elections sa susunod na taon.

Sinabi ni Senator Francis Tolentino, chairman ng committee on local government, na uunahin niyang isalang ang panukala ng Pangulong Rodrido Duterte na postponement ng barangay elections.

Nakipagpulong na kanina si Tolentino sa Association of Barangay Councils tungkol sa isyu.

Target ng Senado na mailipat ang eleksyon sa May 2022 hanggang Oktubre 2023.

“Mauna po ang resetting of barangay elections. Kausap ko na mga kapitan. Mukhang lusot na yun talagang i-e-extend yun,” sabi pa ni Tolentino.

“Di ko nakita ang bills pero mauna sa agenda ng local government yun.”

Sinabi pa ni Tolentino na aalamin rin niya ang kasalukuyang status ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Matatandaang si Pangulong Duterte mismo ang bumanggit sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 22, na dapat lamang na ipagpaliban muna ang barangay at SK elections upang mas mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga opisyal ng barangay na matapos ang kanilang mga programa at proyekto.

Hinimok rin niya ang Kongreso na maipasa na ang “Magna Carta for Barangays.”