Sen. Angara, nanawagan sa DepEd na ipatupad ang Integrated History Law

(Eagle News) — Nanawagan si Senador Sonny Angara sa Department of Education (DepEd) upang ipatupad ang integrated history law sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Ayon kay Angara, sa pamamagitan ng nasabing batas mailalagay bilang subject sa mga paaralan ang indigenous people history and culture sa mga kabataan.

Aniya, dapat na isama ito sa curriculum sa mga paaralan sa basic at higher education sa buong bansa.

“By including this subject in our education system, we effectively instil further understanding of IP history, culture and identity in the minds of the youth,” ani Angara kasabay ng pagdiriwang ng banasa ng National Indigenous Peoples Month na naglalayong isulong ang preservation ng kanilang kultura.

Batay sa datos ng DepEd, ipinatutupad lamang ang nasabing batas sa ilang paaralan sa Mindanao.

Inaasahan ng senador na mapapabilis ng gobyerno ang pagpapatupad nito sa buong bansa.

https://youtu.be/Kpz6uVKXIT8