Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw sa QC at Pasig

(Eagle News) — Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Pasig at Quezon City.
Sa abiso ng Meralco, sa Santolan, Pasig, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption.

Maaapektuhan nito ang bahagi ng Marcos Highway.

Sa Barangay Dela Paz sa Pasig City pa rin, alas 11:45 ng gabi mamaya hanggang alas 4:45 ng umaga ang power interruption sa bahagi pa rin ng Marcos Highway.

Habang sa Quezon City, sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas.

Ang mga lugar na apektado ng scheduled power interruption ay ang bahagi ng Barangay Manresa, Damar at San Jose.