San Miguel Beermen, ‘Three-Peat’ sa PBA Philippine Cup

Kampeon muli ang San Miguel Beermen o SMB sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos nitong pigilin ang pagsusumikap ng Barangay Ginebra na makakuha ng isa pang panalo sa game 5 ng PBA best-of-seven championship series.

Nagtapos ang laban sa score na 91-85 pabor sa San Miguel na labis na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Ayon kay Coach Leo Austria, ito na ang pinaka-highlight ng kanyang karera dahil sa three-peat accomplishment ng SMB.