Roxas Boulevard nilagyan na ng orange barrier; pag-upo sa sea wall at pagbaba sa dagat, bawal na

(Eagle News) —Muling binakuran at nilagyan na ng cordon at mga orange barrier ang seawall ng Manila Bay.

Nangangahulugan ito na bawal nang maupo sa seawall at bumaba sa dalampasigan ng Manila Bay habang may on-going na rehabilitation.

Sakop nito ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula sa may US Embassy hanggang sa Rajah Sulaiman.

Maaari pa rin namang tumambay sa harap ng Manila Bay sa lugar na tanaw pa rin naman daw ang paglubog ng araw pero hindi na maaring lumapit ang mga residente sa dagat.

(Eagle News Service Meanne Corvera)