Romantic comedy film na “The Prenup”, mapapanuod na sa lahat ng sinehan nationwide

Isa na namang romantic comedy film handog ng Regal Films Entertainment ang mapapanuod na sa buong Pilipinas. Ang “The Prenup”. Ito din ang unang pagkakataon na nagsama at nagtambal sa isang mainstream movie ang dalawa sa mga hinahangaang artists ng ating bansa na sina Sam Milby at Jennylyn Mercado.
Umani naman ng magagandang reviews ang pelikulang ito na inabangan talaga ng maraming fans ng dalawa.