Resulta ng survey ukol sa Martial Law, dapat pakinggan ng Malacañang – Sen. Bam Aquino

MANILA, Philippines (Eagle News) — Dapat raw maging babala na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng mga survey kung saan mayorya sa mga Pilipino ang tutol sa Martial Law.

Ayon kay Senador Bam Aquino, tiyak na maraming Pilipino ang aalma sa Pangulo kapag muling binuhay ang Martial Law.

Aniya, sana ay pakinggan ng Malacanang ang publiko at tuluyan nang isara ang usapan sa posibilidad ng batas militar.

“It’s a complete rejection for this type of leadership, the type of governance na masyadong nakakiling sa violence o sa martial rule,” giit ng Senador.

https://youtu.be/8OyyYy_z44Y