Rep. Mark Villar, bagong DPWH Secretary

 

(Eagle News) — Tinanggap na ni Las Pinas City Representative Mark Villar  na makabilang sa Gabinete ni Presumptive President  Rodrigo Duterte

Hahawakan ni Villar ang pagiging kalihim ng Department of Public Works and Highways o DPWH

Nabatid na lunes ng gabi nang i-alok ni Duterte sa kaniya ang posisyon

Si Duterte at ang mga magulang ng kongresista na sina  Senadora  Cynthia Villar at dating Senador Manny Villar  ay nagsulong ng alyansa sa Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban  at Nacionalista Party

Ang signing ng  Coaliton For Change Agreement ay isinagawa sa  unang Press Conference ni Duterte  matapos ang eleksiyon noong May 9,2016