Rehabilitasyon sa MRT-3 uumpisahan na ngayong Enero

(Eagle News) — Magsisimula na ngayong buwan ang mahigit tatlong taong rehabilitasyon sa Metro Rail Transit – 3.

Sa gagawing rehabilitasyon, magsasagawa ng overhaul sa 72 light rail vehicles.

Kabilang sa aayusin ang riles, power supply, signalling system, public address system at ang CCTV sa mga istasyon.

Aayusin din ang mga sira-sira nang elevator at escalators.

Sa kabila ng gagawing rehabilitasyon, pipilitin namang ng pamunuan ng MRT-3 na mapanatiling nasa 15 na tren ang bumibiyahe araw-araw.

Kung kakailanganin naman ang suspensyon ng operasyon sa kasagsagan ng rehabilitasyon ay gagawin ito kapag holiday para hindi maapektuhan ang maraming pasahero.