“Recycled Orchestra”

Alam natin na napakaraming magagawa sa mga basura at mga kagamitan na luma na maaaring gawing recycled materials.
Pero alam nyo ba na sa mga basurang ito ay maaaring makagawa ng mga instrument tulad ng violin.
Kahit pa nga trumpet at flute.

https://youtu.be/xhBLE3beCS8

Tinawag itong Landfill Harmonic. Nagtuturo sila sa mga estudyante ng pagtugtog ng musika gamit ang mga instrumentong mula sa piraso ng mga basura o mga di na ginagamit na kagamitan.

Ayon sa nagtatag nito, marami na silang naturuang mga bata. At lubos ang kanilang kasiyahan dahil di lamang sila nakakatulong sa mga batang nais tumugtog ng mga instrument, kundi nakakatulong pa sila sa kalikasan.

Kaya naman hinihikayat nila ang iba, lalo na ang mga mahihilig sa musika na sana’y makiisa rin sila sa ganitong mga programa.